Latest Article:

Dealing In The New Covenant

  For if there had been nothing wrong with that first covenant, no place would have been sought for another.  Hebrews 8:7, NIV We only emphasize that Christian life we are in is not based on another form of religious ritual but on a covenant. The question is what type of covenant are you in? Is it a covenant of religion or a covenant of love? It should be a covenant of love. Love is a person and that is God (see 1 John 4:16). The covenant we are in is a covenant based on who He is and not on who we are. It's based on what He has done and not on what we have done.  When you sign an agreement form, you understand what type of covenant or agreement you are signing in. And this is the reason why still many Christians missed the true essence of Christianity. It's because they don't understand the covenant they are in. In result, many are so called Christians are still living a life like they don't have Christ. There's no real transformation happened. They think Christian...

Pumunta Sa Malalim


"...upang inyong lubusang maunawaan, kasama ng mga hinirang ng Diyos, kung gaano kalawak, kahaba, kataas, at kalalim ang kanyang pag-ibig." 

Ephesians 3:18

Naranasan mo na bang lumangoy sa malalim na dagat na hindi mo na matapakan ang sahig? Mapapansin mo kung malakas ang alon, ang alon na ang magdadala sayo kung saan niya gusto.

At napansin ko din, kapag nasa mababaw ka hindi ka kontrolado ng tubig dahil nakatapak ka pa sahig, kung saan kontrolado mo ang sarili mo. Pero kung pupunta ka sa malalim na nakasalbabida, yung alon ang magbabalik sayo sa pampang.

Ganon din sa pag-ibig ng Diyos. Ang pag-ibig ng Diyos ay napakalawak na parang isang karagatan. Hindi nananatili sa pagiging mababaw ang pagiging Kristiyano. Ang paglakad papunta sa lalim ng pag-ibig ng Diyos ay isang desisyon. Kung i-chachallengge mo ang sarili na pumunta sa malalim, doon mo makikita ang galaw ng Diyos sa buhay mo.

Sabi sa Efeso 3:19-20,

19 At nawa'y maunawaan ninyo ang pag-ibig ni Cristo na hindi kayang abutin ng pag-iisip at sa gayo'y mapuspos kayo ng buong katangian ng Diyos.

20 Sa kanya na makakagawa nang higit pa kaysa maaari nating hilingin at isipin, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang kumikilos sa atin.

Kayang gumawa ng Diyos sa buhay natin higit pa sa isipin at hilingin natin. May magandang plano Siya sa buhay mo. Plano para pagpalain ka at hindi ipahamak ka (Jeremiah 29:11). Mangyayari lang lahat ng ito, kung pupunta ka sa malalim. Kung nasa mababaw ka lang, kontrolado mo pa ang sarili mo dun at hindi makakagalaw ang Diyos sa buhay mo nun. Kung ganun, ordinaryong bagay lang din ang mangyayari sa buhay natin na karaniwang nangyayari sa ordinaryong tao. 

Huwag kang makuntento sa mababaw. Simulan mong i-challenge ang sarili mong pumunta sa lalim ng pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang Salita at Espirito. Simulan mong dumalo sa mga gawain na nagdedeklara ng biyaya ni Kristo. Simulan mong kainin ang kanyang salita at inumin ang kanyang Espirito (John 6:35). Kung mag-sswimming ka sa beach, mapapansin mo bibihira lang ang nakakapunta sa malalim. Ganun din, kapag nasa malalim ka, sentro ka ng pag-ibig at pabor ng Diyos.

Thoughts Of The Day:

" Kapag nasa malalim ako, sentro ako ng pag-ibig at pabor ng Diyos"

Written by Jaccel Aclan