For if there had been nothing wrong with that first covenant, no place would have been sought for another. Hebrews 8:7, NIV We only emphasize that Christian life we are in is not based on another form of religious ritual but on a covenant. The question is what type of covenant are you in? Is it a covenant of religion or a covenant of love? It should be a covenant of love. Love is a person and that is God (see 1 John 4:16). The covenant we are in is a covenant based on who He is and not on who we are. It's based on what He has done and not on what we have done. When you sign an agreement form, you understand what type of covenant or agreement you are signing in. And this is the reason why still many Christians missed the true essence of Christianity. It's because they don't understand the covenant they are in. In result, many are so called Christians are still living a life like they don't have Christ. There's no real transformation happened. They think Christian...
Latest Article:
Pagtapat ni Jesus sa lugar na iyon, tumingala siya kay Zaqueo at sinabi, “Zaqueo, bumabâ ka agad sapagkat kailangan kong tumuloy ngayon sa iyong bahay.”
Lucas 19:5
Naranasan mo na bang mawala sa isang lugar na hindi mo alam ang papalabas? Na parang rat maze? Sa kahahanap mo ng tamang daan mas lalo ka pang naligaw?
Ganito rin ang nangyari kay Zaqueo (Luk.19:1-10). Siya ay isang chief tax collector. Sa pag-aakala na pera ang nagbibigay ng tunay na kaligayahan sa isang tao, ginamit niya ang pagiging chief tax collector para magpakasasa sa pera. Nandaya siya. Ginamit niya ang pera ng taong bayan makuha lang ang gusto niya, ang maging mayaman. Pero nagkamali siya. Bagamat napakayaman niya na, nalaman niyang may kulang pa din.
Sa gitna ng emptiness na nararanasan niya, narinig niya ang tungkol kay Hesus na papadaan sa lugar ng Jerico. Nagsumikap siyang makita si Hesus para makilala ito. Pero dahil siya ay pandak at napakadaming tao, hindi niya ito makita. Kaya't nagsimula siyang umakyat sa puno ng Sikamoro. At nang matapatan siya ni Hesus, tinangala siya at sinabi, "Zaqueo, bumaba ka agad. Kailangan kong tumuloy sa bahay mo". Nang marinig ito ni Zaqueo, namangha siya sa sobrang tuwa. Sinabi niya kay Hesus, “Panginoon, ipamimigay ko po sa mga mahihirap ang kalahati ng aking mga kayamanan. At kung ako'y may nadayang sinuman, isasauli ko ito sa kanya ng maka-apat na beses.”
Doon nagsimula ang matinding pagbabago ng buhay niya. At dito rin nagsisimula ang matinding pagbabago ng isang tao. Marahil nasa sitwasyon ka ng buhay mo na feeling mo may kulang? At dahil gusto mong punan ang pagkukulang na yun, sumusubok ka ng kung anu-anung bagay mapunan lang yung pagkukulang na yun at sa huli malalaman mong may kulang pa din at makikita mong ikaw lang ang naging kawawa.
Kaibigan, ito ang katotohanan: Walang anumang bagay sa mundong ito ang makapagbibigay ng tunay na kaligayahan maliban sa ating Panginoong Hesus. Ang kakulangan na nararanasan natin ay kakulangan ng pagmamahal.
Si Hesus ang Biyaya ng Diyos. Ang Biyaya ay pagmamahal ng Diyos na umabot o dumating(Jn.1:17). Gaya ng pagtatagpo ni Hesus at Zaqueo, namangha si Zaqueo dahil pinili pa rin ni Hesus na pumasok sa bahay niya sa kabila ng pagiging makasalanan siya.
Ito ang Panginoong Hesus! Sa gitna ng pagiging makasalanan natin may mabiyayang Diyos na dumating na gustong pumasok sa buhay natin para punuin ang kakulangan at tapusin ang paghahanap na nararanasan natin.
Thoughts Of The Day:
"Ang Panginoong Hesus ang magpupuno ng kakulangan ng aking buhay"
Written by Jaccel Aclan
Leave your comments here