For if there had been nothing wrong with that first covenant, no place would have been sought for another. Hebrews 8:7, NIV We only emphasize that Christian life we are in is not based on another form of religious ritual but on a covenant. The question is what type of covenant are you in? Is it a covenant of religion or a covenant of love? It should be a covenant of love. Love is a person and that is God (see 1 John 4:16). The covenant we are in is a covenant based on who He is and not on who we are. It's based on what He has done and not on what we have done. When you sign an agreement form, you understand what type of covenant or agreement you are signing in. And this is the reason why still many Christians missed the true essence of Christianity. It's because they don't understand the covenant they are in. In result, many are so called Christians are still living a life like they don't have Christ. There's no real transformation happened. They think Christian...
Latest Article:
"Mapagkakatiwalaan ang aral na ito. Kaya't ang nais ko'y buong tiyaga mong ituro ito sa mga nananalig sa Diyos upang ilaan nila ang kanilang sarili sa paggawa ng mabuti, na siyang karapat-dapat at kapaki-pakinabang sa mga tao." Tito 3:8
Nakakita ka na ba ng nag-uumapaw na pagkain sa mesa?
Merun ding nag-uumapaw na biyaya na inihanda ang Diyos para satin. Mahal tayo ng Diyos at gusto niyang una nating malaman ito. Dahil ito ang tanging biyaya na magpapabusog sa nagugutom na kaluluwa ng isang tao. Isa-isahin natin sa Tito 3:3-8.
1.) Dating Makasalanan. Tito 3:3
"Noong una, tayo rin mismo ay mga hangal, hindi masunurin, naliligaw at naging alipin ng mga makamundong damdamin at lahat ng uri ng kalayawan. Naghari sa atin ang masamang isipan at pagkainggit. Tayo'y kinapootan ng iba at sila'y kinapootan din natin"
Maliwanag sa verse na ito na wala tayong pwedeng itago sa Diyos. Tayo ay makasalanan, kilala tayo ng Diyos mula loob hanggang labas. Hindi tayo pwedeng magpanggap sa Diyos. Pwede kang magpanggap sa kapwa mo pero hindi sa Diyos. Pero, take note the word "noon". Ibig sabihin ang pagiging makasalanan ay hindi na natin kalagayan ngayon dahil. . .
2.) Nahayag ang Kabutihan at Pag-ibig ng Diyos. Tito 3:4
"Ngunit nang mahayag ang kabutihan at pag-ibig ng Diyos na ating Tagapagligtas"
2,000 taon na ang nakalipas, ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig hindi pa tayo ipinapanganak.
3.) Iniligtas Niya tayo. Tito 3:5a
" iniligtas niya tayo, hindi dahil sa ating mabubuting gawa kundi dahil sa kanyang habag sa atin"
Wow! Hindi niya tayo hinayaan malugmok sa putikan. Iniligtas niya tayo mula sa pagiging makasalanan. Hindi base sa mabubuting nating gawa. Kahit anong gawin nating kabutihan hindi mababago nito ang kalagayang natin na makasalanan.
4.) Hinugasan Niya Tayo. Tito 3:5b
"Tayo'y iniligtas niya sa pamamagitan ng Espiritu Santo na naghugas sa atin upang tayo'y ipanganak na muli at magkaroon ng bagong buhay."
Wow! Heto pa! Hindi lang tayo basta iniligtas ng Diyos at pinabayaan na lang pagkatapos. Hinugusan pa niya tayo! Sa paghugas niya sa atin ipinanganak tayong muli bilang isang anak ng Diyos at nagkaroon ng bagong buhay. Maliwanag na ang dati nating buhay na makasalanan ay wala na. Kaya hindi na natin kasiyahan ang mamuhay sa luma.
5.) Ibinuhos ang Espiruto Santo. Tito 3:6
"Masaganang ipinagkaloob ng Diyos sa atin ang Espiritu Santo sa pamamagitan ng ating Tagapagligtas na si Jesu-Cristo,
upang tayo'y gawing matuwid sa pamamagitan ng kanyang kagandahang-loob, at tayo'y maging tagapagmana ng inaasahan nating buhay na walang hanggan.
Heto pa! Mas matindi! Iniligtas na, hinugasan pa, ibinuhos pa sa atin ang Espirito Santo. Grabe nang biyaya yan!
Kaibigan, feel mo man o hindi, nasa sayo ang Diyos simula noong tinanggap mo si Jesus bilang tagapagligtas at panginoon. Tatak yun na ikaw ay ginawang matuwid sa harapan niya at tagapagmana ng buhay na walang hanggan.
Gaya ng key verse natin, ang pagiging mabuting tao ay bunga lang ng mga katuruan na pinag-aralan natin na naitanim sa puso ng isang tao. At gusto ng Diyos, doon ka mag-focus sa mga katuruang iyon. Hindi lang sa kung paano magiging mabuting tao.
Hindi nagtapos sa pagiging makasalanan ang kalagayan natin. Inihanda niya na lahat ng biyaya para sa atin upang magkaroon tayo ng lakas na mamuhay ng ganap sa harapan Niya.
Thoughts Of The Day:
"Inihanda niya na ang lahat ng biyaya para sa akin"
Leave your comments here.