Latest Article:

Dealing In The New Covenant

  For if there had been nothing wrong with that first covenant, no place would have been sought for another.  Hebrews 8:7, NIV We only emphasize that Christian life we are in is not based on another form of religious ritual but on a covenant. The question is what type of covenant are you in? Is it a covenant of religion or a covenant of love? It should be a covenant of love. Love is a person and that is God (see 1 John 4:16). The covenant we are in is a covenant based on who He is and not on who we are. It's based on what He has done and not on what we have done.  When you sign an agreement form, you understand what type of covenant or agreement you are signing in. And this is the reason why still many Christians missed the true essence of Christianity. It's because they don't understand the covenant they are in. In result, many are so called Christians are still living a life like they don't have Christ. There's no real transformation happened. They think Christian...

Mamamahaling Bato | Jaccel Aclan


"Nang makakita siya ng isang perlas na napakahalaga, umuwi siya't ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili ang perlas na iyon.” Mateo 13:46.

Ang perlas ay isang uri ng mamahaling bato o gemstones. Ang gemstones ay mga uri ng bato na hindi basta natatagpuan sa kalsada. Hindi ito kagaya ng ordinaryong bato na sinisipa at tinatapon na lang. Para makakuha ka ng perlas, kailangan mong sumisid sa ilalim ng dagat. 

Ang Magandang Balita dito, tayo ay hinalintulad ng Diyos sa isang mamahaling perlas. Isang mamahaling bato na hindi basta tinatapakan, sinisipa at tinatapon na lang. Mamahaling bato na handang ipagbili ang lahat ng ari-arian ng isang negosyante kapalit ng mamahaling batong iyon. Ang Diyos ang negosyante at ikaw ang mamahaling batong iyon. 

Sabi sa bible, "Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan kaya ibinigay Niya ang kanyang bugtong na Anak,". John 3:16

Kung bakit ang isang tao liko ang direksyon ng buhay, ito ay dahil ang tingin niya sa buhay niya ay walang halaga.

Sabi sa Proverbs 23:7,
For as he thinks within himself, so he is.

Sabihan ka man ng ibang tao na wala kang halaga, ang katotohanan niyan ay napakahalaga mo sa harapan ng Diyos. 

Isang pang halimbawa na pwede natin pag-aralan ay ang kasuotan ng pinakapunong pari sa panahon ng Lumang Tipan. Ang pinakapunong pari noon ay may suot na chest plate. Sa chest plate nakalagay ang labindalawang uri ng gemstones. Apat ang linya at tatlong gemstones bawat linya na nagsisimbolo ng labindalawang tribo ng Israel.(Exodus 28:15-21)


Sa tuwing pumapasok ang Pinakapunong Pari sa Dakong Banal dala niya ang mga gemstones na yun sa kanyang dibdib bilang pag-alala sa labindalawang tribo ng Israel sa harapan ng Diyos.(Exodus 28:29)

Ang pinakapunong pari na iyon ay naglalarawan ng ating Panginoong Hesu-Kristo ngayon (Hebrews 4:14-16, 8:1). Ang labindalawang gemstones ng labindalawang Israel naman ay naglalarawan natin ngayon bilang mananampalataya.(Galatians 3:7)

Kaibigan, ang aral dito sa puso ng Diyos, isa kang mamahaling bato, ginawang minamahal na anak na lubos Niyang kinalulugdan (1 John 3:1)Ganyan ang tingin sa atin ng Diyos ngayon. Anumang sitwasyon merun ka ngayon, ang tagumpay mo nagsisimula sa kapahayagan na mahal at mahalaga ka sa Diyos. Ang lahat ng ito ay naging posible dahil sa natapos na gawa ng ating Panginoong Hesus sa krus (Romans 8:37-39).

Thoughts Of The Day:

"Sa puso ng Diyos isa akong mamahaling bato, ginawang minamahal Niyang anak na lubos na kinalulugdan"

Written by Jaccel Aclan

Share to your friends