Latest Article:

Dealing In The New Covenant

  For if there had been nothing wrong with that first covenant, no place would have been sought for another.  Hebrews 8:7, NIV We only emphasize that Christian life we are in is not based on another form of religious ritual but on a covenant. The question is what type of covenant are you in? Is it a covenant of religion or a covenant of love? It should be a covenant of love. Love is a person and that is God (see 1 John 4:16). The covenant we are in is a covenant based on who He is and not on who we are. It's based on what He has done and not on what we have done.  When you sign an agreement form, you understand what type of covenant or agreement you are signing in. And this is the reason why still many Christians missed the true essence of Christianity. It's because they don't understand the covenant they are in. In result, many are so called Christians are still living a life like they don't have Christ. There's no real transformation happened. They think Christian...

Panalanging Walang Pananampalataya



Merun palang panalangin na walang pananampalataya? Panalangin na walang kalakip na kapangyarihan ng Diyos? Yung tipong ginawa mo na ang lahat ng posisyon ng pananalangin; umupo, tumayo, lumuhod, umiyak, tumawa, sumigaw na halos labas na ang litid pero walang nangyari?

Ang totoo merun. Kung babalikan natin ang storya kung saan merun isang ama na may anak na pinapahirapan ng demonyo simula pagkabata. Dinala ito sa mga disipilo ng Panginoong Hesus para pagalingin. Ang problema hindi mapalayas ng mga disipilo ang demonyong nagpapahirap sa kanya. Marahil, ang iba sa atin kapag dumating sa ganitong sitwasyon, iisipin na natin sa taong iyon, "kalooban na ng Diyos yan sa kanya", "Parusa na ng Diyos sa kanya yan, sa mga kasalanan niya at ng mga magulang niya". Marahil, ito rin ang iniisip ng mga disipilo sa mga oras na yun kung bakit hindi nila mapalayas ang demonyo. Ang ganun kaisipan ay hindi totoo.

"Ito ang dahilan kung bakit naparito ang Anak ng Dios, upang wasakin ang mga gawa ng diyablo." 1 John 3:8b

Nang dumating si Jesus sa sitwasyon, agad na nagmakaawa sa harapan niya ang ama ng bata at sinabi,

" Madalas siyang itinutumba ng masamang espiritu sa apoy o sa tubig para patayin. Kaya maawa po kayo sa amin; kung may magagawa kayo, tulungan nʼyo po kami!” " Mark 9:22

Ang tagpong ito ay naglalarawan ng mga Kristyano na kapag dumudulog sa Diyos halos magmakaawa na kung may magagawa ang Diyos sa kanilang sitwasyon. Maliwanag na ang gantong panalangin ay kawalan ng pananampalataya.

Sinagot siya ni Jesus, “Bakit mo sinabing kung may magagawa ako? Ang lahat ng bagay ay magagawa ko sa taong sumasampalataya sa akin!” Mark 9:23

Nakita ng ama ang kawalan niya ng pananampalataya. At nakakalungkot isipin na karamihan sa mga Kristyano ganito manalangin. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi natin nakikitang mahayag ang mga pangako ng Diyos sa ating mga buhay dahil sa panalanging walang kalakip na pananampalataya. Paano ba ang panalanging may pananampalataya?

Nang makita ni Jesus na dumarami ang taong paparating sa kanya, sinaway niya ang masamang espiritu, at sinabi, “Ikaw na espiritung nagpapapipi at nagpapabingi sa batang ito, inuutusan kitang lumabas sa kanya! At huwag ka nang babalik sa kanya!” Mark 9:25

Binigyan tayo ng Panginoong Hesus ng halimbawa ng panalanging may pananampalataya. Ang panalanging ito ay may otoridad. Tayo ay binigyan ng karapatan na maging isang anak ng Diyos sa pamamagitan ni Hesu-Kristo. Kung tinanggap mo mula sa iyong puso ang Panginoong Hesus bilang tagapagligtas at panginoon ng iyong buhay, ikaw ay isang anak ng Diyos (John 1:12). May otoridad ka sa anumang gawa ng dyablo sa buhay mo. Pwede mong sabihin sa negatibo mong sitwasyon ang gusto mong mangyari dahil ikaw ay isang anak ng Diyos. Huwag mong hayaan na kainin ka ng negatibong mong sitwasyon sa kadahilanang hindi mo alam kung sino ka. Huwag mo ring isipin na kalooban ng Diyos na hindi mo makitang nahahayag ang mga pangako Niya sa buhay mo. Ito ay malaking pandaraya ng kaaway.

Nang matapos ipinalangin ni Hesus ang bata, gumaling ito. Nang makauwi na sila, nagtanung ang mga alagad sa kanya kung bakit hindi nila napalayas ang demonyo.

Sinagot sila ni Jesus, “Ang ganoong uri ng masamang espiritu ay mapapalayas lang sa pamamagitan ng panalangin.”

Nakakapagtakang isipin na sinabihan sila ng Panginoong Hesus na "lahing walang pananampalataya! (Marcos 9:19)" noong hindi nila mapalayas ang demonyo. Ganun pa man, hindi sila itinakwil ng Diyos at tinuruan pa rin sila. Kagaya nating mga Kristyano ngayon, bahagi na ito ng paglago.

Noong sinabihan ang mga alagad na panalangin ang susi para mapalayas ang demonyo, ibig sabihin ba nun hindi nananalangin ang mga alagad? Nanalangin sila pero kagaya ng ama ng bata, ang panalangin ng mga alagad ay panalanging walang pananampalataya. Nagpapakita lang din na ang panalangin at pag-aayuno ay paraan para puksain ang mga maling paniniwala natin at hindi ito paraan para tugunin tayo ng Diyos sa ating mga panalangin.

Kaibigan, huwag mong kakalimutan kung sino ka. Ikaw ay may otoridad bilang isang anak ng Diyos. Malaya mong angkinin ang lahat ng pangako ng Diyos inihanda niya para sayo sa pamamagitan ng panalanging may pananampalaya.

Thoughts Of The Day:  

"May otoridad ako sa anumang gawa ng dyablo sa aking buhay bilang isang anak ng Diyos"

Written by Jaccel Aclan


Share to a friend