Latest Article:

Dealing In The New Covenant

  For if there had been nothing wrong with that first covenant, no place would have been sought for another.  Hebrews 8:7, NIV We only emphasize that Christian life we are in is not based on another form of religious ritual but on a covenant. The question is what type of covenant are you in? Is it a covenant of religion or a covenant of love? It should be a covenant of love. Love is a person and that is God (see 1 John 4:16). The covenant we are in is a covenant based on who He is and not on who we are. It's based on what He has done and not on what we have done.  When you sign an agreement form, you understand what type of covenant or agreement you are signing in. And this is the reason why still many Christians missed the true essence of Christianity. It's because they don't understand the covenant they are in. In result, many are so called Christians are still living a life like they don't have Christ. There's no real transformation happened. They think Christian...

Bakit Kailangan Maghintay?


Kagabi, nanaginip ako. Napunta daw ako sa isang probinsyang lugar. Sa lugar na madalang ang jeep na dumadaan sa highway. Alam naman natin na kapag sa probinsya ka tumira, matagal talaga ang jeep papuntang bayan lalo na kung bundok na ang barangay ninyo. 

At sa panaginip ko daw na yun, pupunta daw ako sa bayan, pero dahil matagal ang jeep, nagsimula akong maglakad at naghanap daw ako ng short-cut papuntang bayan. 

Sa short-cut na yun isang barangay ang nadaanan ko. Sa paglalakad ko, nasiraan pa ako ng tsinelas. Buti na lang may tindahan sa lugar na yun at marami ring tao. Nakakita rin ako ng Van papuntang bayan sa loob ng barangay na yun kaso mag-aantay pa rin kasi isa pa lang yung pasahero. 

Kaya umalis din ako at yung papalabas na ko sa barangay, highway pa din ang nilabasan ko. Naka-short cut nga ako pero kunti lang. Paglabas ko sa barangay, no choice pa rin ako kundi ang mag-antay ng jeep sa 2-way road na daan.

Kinaumagahan, tinanong ko si Lord kung anong ibig sabihin ng panaginip na yun. Nilagay Niya sa puso ko na ito ay mensahe ng pag-aantay through this verse:

Yet I am confident I will see the Lord’s goodness while I am here in the land of the living.

Wait patiently for the Lord. Be brave and courageous. Yes, wait patiently for the Lord. Psalms 27:13-14 NLT


Kaibigan, ito ay mensahe para sa lahat. Huwag kang mainip mag-antay kay Lord. Makakapunta at makakapunta ka rin sa patutunguhan mo. Ano mang klaseng breakthrough ang inaantay mo ngayon, huwag kang mapagod. Ang matiyagang pag-aantay ay nagbubunga ng mabuting pagkatao (James 1:2-4MSG)

Hindi ka lugi sa pag-aantay. Walang short cut sa proseso ni Lord. May tamang oras at lugar Siya para sayo. Basta ang sigurado, may higit pang bagay na paparating para sa mga taong nagtitiwala sa Kanya (1 Corinthians 2:9NLT)

Thoughts Of The Day:

"Ang matiyagang pag-aantay ay nagbubunga ng mabuting pagkatao"

Written by Jaccel Aclan

Feel free to leave your comments.

Share to your friends!