The bible says, "Don’t copy the behavior and customs of this world, but let God transform you into a new person by changing the way you think. Then you will learn to know God’s will for you, which is good and pleasing and perfect" Romans 12:2 It's clearly says that true transformation doesn't begin outside apperance but begins from the inside being and that is through renewing our minds. When our mind is renewed, it will birth out new life. Join us in this 40-Days Grace Devotional as we establish our thoughts and hearts in the grace, love, mercy of God expressed through our Lord Jesus in the light of God's word. In this 40-Days journey you will be receiving a bit-sized daily devotional directly to your messenger. Just simply click the button below and you will be redirected to our fb page messages. Then reply with the keyword "Devo" and you will begin receiving daily devotional. SUBSCRIBE
Latest Article:
Yes. Sa atin nakasalalay ang paggawa ng buhay o kamatayan sa ating sitwasyon. Nagsisimula ang lahat ng ito sa ating mga dila.
"Death and life are in the power of the tongue, And those who love it will eat its fruit.Proverbs 18:21NASB
Noong likhain ng Diyos ang mundo at kalawakan, nilikha lang ito sa pamamagitan ng salita. At ang unang nilikha ng Diyos ay liwanag.
Then God said, “Let there be light,” and there was light. Genesis 1:3.
Samakatuwid, ang mundo noon ay napakadilim, walang hugis at walang anyo. Pero hindi sinabi ng Diyos ang kadiliman na nakita niya. Hindi sinabi ng Diyos, "Oh! Ang dilim!". Sa halip ang sinabi ng Diyos, "Magkaroon ng liwanag" at nagkaroon nga.
Nakita mo? Nagsisimula sa ating mga dila ang buhay at kamatayan. Sabi sa bible, we are created in God's likenesses (see Gen.1:27). Sa bawat bigkas ng ating mga labi, isa sa dalawang bagay ang nililikha nito sa ating paligid, kung ito ba ay kamatayan o buhay. Kung ano ang iyong sinasabi, iyon ang mangyayari. Kung patuloy mong sinasabi ang mga negatibo na nangyayari sa buhay mo, nililikha nito ang atmosphere sa paligid mo at iyon ang mangyayari. Pero kung patuloy mong binibigkas ang mga pangako ng Diyos, (na sa biyaya Niya inihanda na para sa atin) nililikha din nito ang atmosphere sa paligid mo at iyon ang mangyayari.
Ganun ka-powerful ang dila natin. Yes, may kapangyarihan sa dila natin. Mananampalataya o hindi mananampalataya mag-aani sa mga bagay na sinasabi niya.
Kung pag-aaralan pa natin, ang salita na binibigkas ng Diyos noong likhain niya ang sandaigdigan, ay walang iba mismo kundi ang Panginoong Hesus(Diyos Anak)(see John 1:1,14). Ibig sabihin, magkakaroon lang tayo ng tamang sasabihin kapag merun tayong nag-uumapaw na biyaya ni Kristo sa ating mga puso. Dahil kung ano ang sinasabi ng ating labi, siyang laman ng ating puso (see Luke 6:45).
Kaibigan, hindi lang ito patungkol sa pagbabago ng tamang sasabihin. Ang totoong pagbabago nagsisimula sa ating mga puso. Sa bawat araw ng buhay mo, pwede mong ipagkatiwala sa Diyos ang mga suliranin mo. Doon tayo binabago ng Diyos mula sa loob hanggang labas. Sa halip na mamangha ka sa laki ng problema, piliin mong mamangha sa biyaya ng ating Panginoong Hesus.
Thoughts Of The Day:
"Kung ano ang patuloy kong sinasabi yun ang mangyayari"
Written by Jaccel Aclan
Share to your friends