For if there had been nothing wrong with that first covenant, no place would have been sought for another. Hebrews 8:7, NIV We only emphasize that Christian life we are in is not based on another form of religious ritual but on a covenant. The question is what type of covenant are you in? Is it a covenant of religion or a covenant of love? It should be a covenant of love. Love is a person and that is God (see 1 John 4:16). The covenant we are in is a covenant based on who He is and not on who we are. It's based on what He has done and not on what we have done. When you sign an agreement form, you understand what type of covenant or agreement you are signing in. And this is the reason why still many Christians missed the true essence of Christianity. It's because they don't understand the covenant they are in. In result, many are so called Christians are still living a life like they don't have Christ. There's no real transformation happened. They think Christian...
Latest Article:
Sa halip ay nagagalak siyang sumunod sa mga aral na mula sa Panginoon, at araw-gabi ito ay kanyang pinagbubulay-bulayan. Salmo 1:2 (TCB)
Kung ano ang madalas nating binabasa at naririnig ay nagiging ambag sa kung paano tayo mag-isip. Kung babalikan natin ang istorya ni David at Goliath sa 1 Samuel 17:1-11, mapapansin natin na wala si David sa senaryo na yun, kung saan dumating sila Goliath kasama ang mga Philistines soldiers para hamunin ang mga Israelita. Sa verse 11, matapos ilahad ang katangian ni Goliath, sabi doon, lubos na natakot ang mga Israelita. Ano kaya ang kinatakot nila? Yun ay ang katangian ni Goliath na nakasulat sa verse 4-10. Namangha sila kay Goliath kaya labis silang natakot!
Pero hindi kay David, wala si David sa mga oras na yun kaya hindi niya narinig ang tungkol kay Goliath. Nasa Bethelehem siya noon nagpapastol ng mga tupa ng tatay niya. Haggang sa utusan siya na magdala ng pagkain para sa mga kapatid niya sa labanan. Narinig niya ang hamon ni Goliath, at tumugon siya ng may kakaibang espiritu. Sa maikling storya, nilabanan niya si Goliath at pinugutan ng ulo gamit ang sarili niyang espada at ang buong Filisteo ay natalo.
Mula sa verse 1 to 11, hindi nabanggit si David doon. Ibig sabihin, hindi niya narinig ang tungkol kay Goliath. Puno-puno ang kaisipan ni David ng kadakilaan ng Diyos sa mga oras na iyon habang siya ay nasa pastulan. Hanggang sa dumating siya sa labanan ng may kakaibang espiritu ng pananampalataya (1 Samuel 17:34-37).
Maliwanag na ang aral dito, kung gusto mong tapusin ang higanteng problema na nasa harapan mo, magsisimula yun sa tamang kaisipan. Kung patuloy mong pagbubulay-bulayan ang mga negatibong nangyayari sa paligid mo, magiging negatibo ka rin mag-isip. Sarili mo ring takot ang papatay sayo.
Kaya nga kailangan natin baguhin ang channel na pinapakinggan natin. Ituon natin ang ating pandinig sa Mabuting Balita ng Panginoong Hesu-Kristo at sa natapos niyang gawa doon sa krus. Pagbubulay-bulayan ito araw at gabi. Sabi sa bible, ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig at pakikinig ng Mabuting Balita tungkol kay Kristo (Romans 10:17). Magkakaroon lang tayo ng pananampalataya kapag merun tayong naririnig na Mabuting Balita. Kung ang isipan natin ay puno ng kadakilaan ng Diyos, walang higanteng problema ang pwedeng humarang sayo. Sigurado, pupugutan mo rin ito ng ulo kung alam mong mananagumpay ka kay Kristo.
Thoughts Of The Day:
"Ang pagpatay sa higante problema ay magsisimula sa tamang kaisipan"
Written by Jaccel Aclan
Leave your comments here.