Latest Article:

Dealing In The New Covenant

  For if there had been nothing wrong with that first covenant, no place would have been sought for another.  Hebrews 8:7, NIV We only emphasize that Christian life we are in is not based on another form of religious ritual but on a covenant. The question is what type of covenant are you in? Is it a covenant of religion or a covenant of love? It should be a covenant of love. Love is a person and that is God (see 1 John 4:16). The covenant we are in is a covenant based on who He is and not on who we are. It's based on what He has done and not on what we have done.  When you sign an agreement form, you understand what type of covenant or agreement you are signing in. And this is the reason why still many Christians missed the true essence of Christianity. It's because they don't understand the covenant they are in. In result, many are so called Christians are still living a life like they don't have Christ. There's no real transformation happened. They think Christian...

Kung Walang Pagdanak Ng Dugo Walang Kapatawaran Ng Kasalanan


Written by Jaccel Aclan


Sa katunayan, sa ilalim ng kautusan, halos lahat ng mga bagay ay nililinis ng dugo, at kung walang pagdanak ng dugo ay walang kapatawaran ng mga kasalanan. 

Hebrews 9:22 (ABTAG2001)


Marahil, normal na lang sa isang tao yung mga kataga na "mahalaga ka sa Diyos, o "mahal ka ng Diyos". Pero ang totoong pangungusap talaga dito ay kung "gaano tayo kahalaga sa Diyos?" o "gaano tayo kamahal ng Diyos?". 


Gaya ng sabi ng key verse natin, kung walang pagdanak ng dugo, walang kapatawaran ng kasalanan. Ang Mabuting Balita ay merong dugong dumanak sa krus na nangangahulugan na tayo ay pinatawad. Gaano man kalaki ang kasalanan mo, pwede mong ibilang ang sarili mong pinatawad dahil merong dugong dumanak sa krus. Pwede mong tawagin ang sariling mong pinatawad hindi dahil sa mabubuti mong gawa kundi dahil sa natapos na gawa ng isang Tao at iyon ay ang Panginoong Hesus.


Kanino nanggaling ang dugo? Nanggaling ito kay Hesus, ang bugtong na Anak ng Diyos. Si Hesus ang minamahal na Anak ng Diyos Ama na lubos niyang kinalulugdan. Ang tanong kung gaano ka kahalaga sa Diyos? Katumbas iyon ng halaga ng kanyang Anak dahil ibinigay iyon bilang handog sa ikapagpapatawad ng kasalanan ng sanlibutan. Sa krus pinabayaan siya ng Ama para parusahan ang kasalanan mo at kasalanan ko. Nang sa gayon, maging banal tayo sa harapan ng Diyos ngayon sa pamamagitan Niya. 


Kaibigan, ikaw ay lubos na pinatawad at minahal. Kung ang tingin mo sa sarili mo walang halaga o walang silbi, hindi ganun ang tingin sayo ng Diyos. Tinitingnan ka ng Diyos Ama sa kanyang Anak. Kung ang Anak ay lubos na minamahal ng Ama ganun din ang tingin sayo ng Diyos Ama. At gusto ng Diyos na ito rin ang makita mo sa sarili mo ngayon. Ang dugong dumanak ang nagpapatunay nito. 


Thoughts Of The Day:

"Ako ay pinatawad dahil sa dugong dumanak"


Leave your comments here

Share to your friends