For if there had been nothing wrong with that first covenant, no place would have been sought for another. Hebrews 8:7, NIV We only emphasize that Christian life we are in is not based on another form of religious ritual but on a covenant. The question is what type of covenant are you in? Is it a covenant of religion or a covenant of love? It should be a covenant of love. Love is a person and that is God (see 1 John 4:16). The covenant we are in is a covenant based on who He is and not on who we are. It's based on what He has done and not on what we have done. When you sign an agreement form, you understand what type of covenant or agreement you are signing in. And this is the reason why still many Christians missed the true essence of Christianity. It's because they don't understand the covenant they are in. In result, many are so called Christians are still living a life like they don't have Christ. There's no real transformation happened. They think Christian...
Latest Article:
Noong tayo ay wala pa sa Panginoong Hesus. Ang kalagayan natin ay makasalanan. Naging makasalanan tayo dahil sa pagsuway ni Adan. Napaka-makapangyarihan ng gawa na iyon na kahit anong gawa natin mabuti, hindi mababago ng mabubuting gawa ang pagiging makasalanan natin. Sa bandang huli makasalanan pa din tayo. Naging alipin tayo ng kasalanan sa kalagayang iyon. Pero may magandang balita. Hindi natapos sa pagiging makasalanan ang kalagayan natin dahil may sumunod sa kalooban ng Ama at iyon ang ating Panginoong Hesus bilang handog sa kasalanan (see Hebreo 10:9-10). Dahil sa pagsunod niya sa krus tayo ay ibinilang na matuwid (see Roma 5:19). Sa pamamagitan ng kamatayan niya sa krus, lahat ng sulat na laban sa atin ay kanyang inalis at ipinako sa krus (see Colosas 2:14). Naging alipin tayo ng katuwiran sa bagong kalagayan na ito.
Kaya lahat ng sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni Propeta Jeremias mula sa Lumang Tipan, na ang kasalanan natin ay papatawarin at lilimutin na ng Diyos ay nangyayari sa atin ngayon sa Bagong Tipan ng Biyaya.(see Jeremiah 31:34,Hebrews 8:12). Kaya sinabi ni Haring David noon sa Lumang Tipan na mapalad ang taong pinatawad at nilimot na ng Diyos ang kanyang mga kasalanan (see Roma 4:6-8, Psalms 32:1-2). Tayo na sumampalataya sa Panginoong Hesus ang mga taong iyon. Pinagpala tayo dahil sa pagsunod ng ating Panginoong Hesus.
Ito ang kalagayan natin ngayon. Tayo ay pinagpala dahil pinatawad at nilimot na ng Diyos ang ating mga kasalanan. Kapag mas higit natin nakikita ang katotohanang ito, ito rin ang nagbibigay sa atin ng kalayaan mula sa kasalanan at ito rin ang nagbibigay sa atin ng lakas para magpatawad sa iba (see Juan 8:31-32)
Ang dahilan kung bakit tayo nagpapatawad, ito ay dahil tayo ay pinatawad. Ang unang nakikinabang sa pagpapatawad natin sa iba ay walang iba kundi tayo. Pinapalitan nito ng kapayapaan ang bawat sama ng loob na ibinabato sa atin ng kaaway.
Noong si Esteban ay inuusig at pinagbabato hanggang mamamatay dahil sa kanyang pananampalataya, isinigaw niya ang pagpapatawad sa halip na paghihiganti. Isinigaw niya, "Panginoon, huwag mo silang papanagutin sa kasalanang ito"(see Gawa 7:60). Paano niya nasigaw ang mga katagang ito sa kabila ng mga pag-uusig sa kanya? Ito ay dahil siya ay puspos ng kapayapaan sa pamamagitan ng Banal ng Espirito na merun siya (see Mga Gawa 70:55-56).
Ito rin ang dahilan kung bakit tayo nagpapatawad. Kapag nalaman at pinanghawakan natin na tayo ay pinatawad, ito rin ang nagbibigay sa atin ng lakas para magpatawad. Hindi na natin gugustuhin na mamantsahan tayo ng mga sama ng loob kapag alam natin na tayo pinatawad. Kaya tayo nagpapatawad at nililimot ang kasalanan ng iba, ito rin kasi ang alam at pinanghahawakan nating pangakong ginawa ng Diyos para sa atin. Pinagpala tayo sa katotohanang pinatawad at nilimot na ng Diyos ang ating mga kasalanan at walang anuman gawa ng diyablo ang pwedeng magsira nito.
Thoughts Of The Day:
"Pinagpala ako sa katotohanang pinatawad at nilimot na ng Diyos ang aking mga kasalanan".
Written by Jaccel Aclan
Share to your friends